--Ads--

CAUAYAN CITY- Tutulungan ng Pamunuan ng Bureau of Jail and Penology (BJMP) Cauayan City ang mga mahihirap na mag-aaral.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jail Chief Inspector Romeo Valliente Jr., ang Jail warden ng BJMP-Cauayan City, kanyang sinabi na dahil sa ganda ng takbo ng kanilang panaderya sa loob ng kulungan ay nais nilang tulungan ang mga mag-aaral na mahihirap partikular na ang mga estudyante mula sa Cauayan City National High School Annex sa barangay Cabarauan.

Sinabi niya na isa sa nagtulak sa kanila na tulungan ang mga mag-aaral ay dahil sa kaniyang nakakausap na mga estudyante na hindi umano nakakapasok sa paaralan dahill sa kawalan ng baon.

Sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na umano sila sa pamunuan ng nasabing paaralan para sa katuparan ng kanilang hangaring matulungan ang mga mahihirap na mga mag-aaral

--Ads--

Sinabi pa aniya na ang mga magtitinda lamang ay mga nasa edad 15 pataas at may kapahintulutan ang kanilang mga magulang.

Magtitinda lamang sila tuwing sabado at linggo at ang bahagi ng mapagbebentahan ay ibibigay sa kanila.