CAUAYAN CITY – Nagsimula kaninang umaga ang limang araw na pagdiriwang ng Pangdadapun Festival 2019 na may temang “I Love Quirino ForeverMORE”.
Ito ay pamamagitan ng misa ng pasasalamat na ginanap sa Capitol Gymnasium kaninang 8am na dinaluhan ng mga pinuno at kawani ng pamahalaang panlalawigan ng Quirino.
Sinundan ito ng opening program at awarding certemonies.
Binuksan din kaninang alas onse ng umaga ang Job Fair 2019 sa San Marcos Gymnasium gayundin ang Indigenous Arts and Craft Exhibit sa Panagdadapun Pavilion at Agro-Otop Touirism and Livelihood Fair sa Municipal Kiosks sa Panlalawigang Kapitolyo.
Kaninang alauna ng hapon ang Farm Family Day sa Capitol Gymnasium at Laro ng Lahi sa Capitol Oval habang 7pm gabi ang 2019 Quirino Got Talent season 8 sa Capitol Gymnasium.
Bukas, araw ng Sabado ay tampok na aktibidad ang Bicycle Fun Ride for Humanity sa Capitol Oval dakong alas singko ng umaga.
Dakong 8am ang pre-pageant ng Bb Quirino 2019 at kasabay nito ang free surgical operation sa mga may goiter.
Magsisimula rin dakong 8am ang 1st Quirino Invitational Wakeboarding competition sa Quirino Water Sports Complex.
Dakong 7pm ang Search for Bb. Quirino 2019 sa Capitol Gymnasium.
Magtatagal ang Panagdadapun Festival 2019 hanggang sa Martes, Setyembre 10, 2019.
Tampok sa araw na ito ang grand parade at ang street dancing and parade sa Capitol Oval.
Samantala, nagpapatupad ng mga hakbang ang Cabarroguis Police Station para sa seguridad ng mga mamamayan at maayos daloy ng trapiko sa panahon ng pagdiriwang ng Panagdadapun Festival.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj Edgar Pattaui, hepe ng Cabarroguis Police Station, sinabi niya na nagsagawa sila ng road rerouting para sa maayos ng daloy ng trapiko patungo sa bayan ng Cabarroguis gayundin ang mga palabas sa lalawigan.
Sinabi pa ni PMaj Pattaui na ipapatupad nila ang “No back pack policy” sa idaraos na konsierto na inaasahang dadaluhan ng 2,000 na manonood.
May ibibigay ding car pass sa mga VIP at guests na dadalo sa iba’t ibang aktibidad.