Nanatili pa rin sa kasalukuyan ang walong biktima ng pananaksak sa Mishima City, Shizuoka Prefecture sa pagamutan para sa mabilis na recovery.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Hannah Galvez na ang insidente ay naganap pasado alas-4 ng hapon sa Shizuoka Prefecture, partikular sa Yokohama Chemical Plant sa Mishima City.
Batay sa mga awtoridad, ang suspek ay isang dating empleyado na unang naghagis ng bleach chlorine. Ang 38-anyos na suspek ay nakasugat ng pitong katao bago nanaksak ng walo pang iba gamit ang isang survival knife.
Aniya, nahirapan ang pulisya at mga bumbero na rumesponde sa insidente dahil sa paggamit ng suspek ng kemikal sa pag-atake.
Depensa ng suspek, nagawa niya ang pananaksak dahil sa paulit-ulit umanong pambubully sa kaniya ng isang katrabaho noong siya ay nagtatrabaho pa sa nasabing kompanya.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng awtoridad ang nabanggit na suspek.










