CAUAYAN CITY – Mga pananim na mais ang pangunahing naapektuhan ng Bagyong Betty sa mga lalawigan ng Cagayan at Batanes.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Technical Director Roberto Busania ng DA Region 2 na batay sa initial report ng Santa Ana, Cagayan ang estimated partially damage sa maisan ay 89.43 hectares at pitumput-dalawang magsasaka ang apektado.
Aabot sa mahigit isang milyong piso ang halaga ng nasirang pananim sa Santa Ana, Cagayan at hinihintay pa ang ulat ng ibang mga bayan na naapektuhan ng Bagyo.
Sa lalawigan ng Batanes ay may 1.58 hectares ng maisan ang partially damage at 4.96 hectares ang totally damage habang 299 farmers ang naapektuhan.
Sa ngayon ay Mahigit 1.69 million pesos ang estimated damage sa Cagayan at Batanes at hinihintay pa ang ulat mula sa iba pang lugar.
Tiniyak naman ni Regional Technical Director Busania na mapagkakalooban ng ayudang binhing mais ang mga nasiraan ng pananim.