--Ads--

Pangulong Ferdinand Marcos Jr. naniniwalang bahagi ng destabilization plot ang ginawang paghamon sa 2025 national budget sa Supreme Court.

Sinabi ng Pangulo na layon ng nasabing grupo na matigil ang operasyon ng gobyerno.

Inamin din ni Pang. Marcos na walang contingency, kung sakaling paburan ng Supreme Court ang petisyon.

Sinabi ni Marcos na si Solicitor General Menardo Guevarra ang sasagot sa petisyon na kumukwestyon sa legalidad ng 2025 National Budget.

--Ads--

Matatandaang nagsampa ng petisyon si Davao City 3rd Rep. Isidro Ungab, dating executive secretary na si Vic Rodriguez, at iba pang dating opisyal ng gobyerno na kumukwestyon sa konstitusyonalidad ng ilang mga probisyon sa 2025 GAA.

Inamin ng mga petitioner na ang sinasabing “blangkong item” sa ulat ng bicameral para sa 2025 pambansang badyet ay nagbibigay lamat sa transparency at pananagutan sa budget process.

Si Guevarra, na kumakatawan sa gobyerno sa legal proceedings, ang nagsabing gagawin niya ang argumento sa harap ng SC, kung uutusan na gawin ito.

Binigyang diin niya na sa ngayon, ang validity, regularity at constitutionality ng 2025 GAA ay legally presumed.