--Ads--

Hindi na papayagan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga partylist group na kapa­ngalan ng mga teleserye at programa ng gobyerno sa susunod na eleksyon.

Ayon kay Comelec chairman George Erwin Garcia, dapat na may tunay na adbokasiya ang lalahok na partylist group at hindi aniya tama na sumasakay sa kasikatan ang mga partylist sa usong teleserye o programa ng gobyerno upang makatiyak ng panalo.

Samantala, wala na raw silang magagawa sa mga nakalusot nang partylist sa nakaraang halalan. Bago pa man dumating ang administrasyong Marcos may mga na-accredit nang mga tv shows.