--Ads--

CAUAYAN CITY – Dumating na kaninang tanghali ang bangkay ng pangatlong sundalong taga Isabela na nasawi sa pakikibakbakan sa Maute terror Group sa Marwi City.

Ang pangatlong sundalong nasawi ay si Corporal Edilmar Eugenio ng Barangay Santo Niño, Tumauini, Isabela.

Si Corporal Edilmar Eugenio ay tinamaan ng sniper sa ulo ng mga kasapi ng maute group na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Dumating kaninang tanghali ang isang C130 transport plane sa paliparan sa Cauayan City kung saan isinakay ang bangkay ni Corporal Eugenio.

--Ads--

Ang pinakaunang nasawi sa bakbakan na taga Isabela ay si Privae First Class Melvin Raton na residente ng Barangay Capitol, Delfin Albano, Isabela.

Ang sumunod na nasawi ay si Corporal Pablito Pascual na taga Barangay Kalusutan Angadanan, Isabela.

Isa ring sundalo na taga Barangay Tagaran Cauayan City na si Private First Class Roberto Tejero Jr. ang nagbuwis ng buhay dahil naman sa pakikipaglaban sa mga kasapi ng abu sayyaf group sa Patikul, Sulu.