CAUAYAN CITY- Nakatakdang sampahan ng kasong murder ang isa pang kasamahan ng dalawang lalaki na una ng nasampahan ng kahalintulad na kaso makaraang barilin at patayin ang isang kahera ng burger stand sa Santiago City.
Ito ay makaraang ipasakamay ng Barangay Kapitan ng Rosario ang isang 16 anyos na mag-aaral na si alyas Roy sa himpilan ng pulisya.
Matatandaan na noong June 28, 2017 pinagbabaril ng suspek na si Ariel Kim Gabriel, 22 anyos si Rachelle Del Rosario, 26 anyos habang look out naman si alyas Chocolate, 17 anyos samantalang si alyas Roy ay nagsilbing driver ng motorsiklo na ginamit sa kanilang pagtakas.
Nauna ng nasampahan ng kasong murder sina Gabriel at alyas Chocolate habang nakatakda ng sampahan ng kahalintulad na kaso si alyas Roy




