CAUAYAN CITY – Hindi inalintana ni Pangulong Rodrigo Duterte ang may kalakasang pag-ambon upang dumalaw sa burol ng limang sundalong namatay sa pakikipaglaban sa Abu Sayaff Group sa patiukul Sulu na nakaburol ngayon sa 5th Infantry Division Phil. Army Gamu, Isabela.
Ganap na alas singko diyes ng hapon ay lumapag ang presidential chopper sa compound ng 5th Infantry Division Phil. Army.
Layunin ng pangulo sa kanyang pagtungo sa 5th ID ay para bigyang-pugay ang mga bayaning sundalo at personal na iparating ang kanyang pakikiramay sa kanilang mga pamilya.
Magugunitang killed in action ay sina Corporal Renhart Macad ng Torod Bolo, Tabuk City, Kalinga; Corporal Bryan Apalin ng Bangbangar, Bangued, Abra; Corporal John Raphy Francisco ng Alibagu, Ilagan City, Isabela; Corporal Marlon Manuel ng San Pablo, Cauayan City, at Private First Class Jordan Labbutan ng San Pedro, Rizal, Kalinga.
Ang 5 sundalo ay pawang miyembro ng 41st Infantry Battalion na nasa ilalim ng 5th Infantry Division.