--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahandaan ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa bagyong Ompong.

Sa pagtungo ng Pangulo sa Lalawigan ay kaagad siyang nakipagpulong kasama ang kanyang mga gabinete sa mga matataas na opisyal ng pamahalaang panlalawigan.

Ito ay makaraang magtala ng zero casualty ang Isabela sa paghagupit ng bagyong Ompong.

Sa pagsasalita pa ng Pangulo sa panlalawigang kapitolyo ng Isabela kanyang binigyang diin na ang pagmimina ay nakakasira sa bansa.

--Ads--

Ang kanyang pahayag ay kaugnay pa rin sa naganap na pagkamatay ng maraming mamamayan sa Itogon,Benguet sa pagguho ng lupa dahil sa malawakang pagmimina.

Anya ang mga pagmimina ay nagaganap mismo malapit sa kabahayan at tinuligsa ng pangulo ang pagmimina sa mga watershed areas na nakakasira rin sa pinagkukunan ng pagkain.