--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagtungo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Sta. Maria-Cabagan Bridge para sa assetment at initial inspections sa gagawing imbestigasyon para malaman ang totoong pangyayari na siyang nagsanhi sa pagbagsak ang isang span ng tulay.

Ito ay isang linggo matapos gumuho ang nasabing tulay noong ika-27 ng Pebrero

Inaasahan naman ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela na matapos ang pagbisita ay gugulong na ang pagsisisyasat na maaaring sundan ng re-assetment para sa muling pagsisimula ng proyekto.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Isabela Governor Rodito Albano, sinabi niya na idudulog din ng Provincial Government ng Isabela kay Pangulong Marcos na maisaayos ang nasirang portion ng tulay lalo at highly anticipated na ng mga Isabelino ang pagbubukas sana ng tulay.

--Ads--

Matatandaan na pinondohan ng 1.2 billion pesos ang nasabing tulay subalit gumuho ito matapos lamang ng isang buwan mula nang buksan ito para sa mga ligth vehicles.

Ito ay matapos dumaan ang isang dump truck na may mabigat na karga.

Una rito ay una naring naglabas ng pahayag ang Department of Works and Highways sa umano’y issue ng kurapsyon sa pagbuo ng Sta. Maria-Cabagan bridge.

Para kay Governor Rodito Albano sa halip na mag-turuan at mag karoon ng haka-haka ay mag move forward na lamang at isantabi ang issue ng pamumulitika.

Pinangunahan naman ng buong hanay ng Police Regional Office 2, Isabela Police Provincial Office at Presidential Security Guards ang seguridad ng Pangulo.