CAUAYAN CITY – Nakatakdang bumisita sa lalawigan ng Isabela ang Pangulong Marcos ngayong araw.
Unang nagsagawa ng pulong balitaan ang Presidential Communications Office kahapon bago pa man ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa lalawigan ng Isabela.
Inaasahang dadalo ang pangulo sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na magaganap sa lungsod ng Ilagan na nakatuon ngayon sa usapin ng El Nino Phenomenon na naranasan sa bansa.
Bago magtungo sa Fair ay may mga dadaluhan muna ang pangulo na pagpapasinaya sa mga solar powered irrigation projects sa lalawigan.
Ayon kay ASEC Joey Villarama II ng Presidential Communications Office inaasahang ibibigay ang financial assistance sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng krisis sa Region 2 sa programang Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolks at Families.
Tiniyak naman ng Philippine National Police at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office kasama ang mga Local DRRM personnel ang kahandaang tumugon kaagad sa kaayusan at anumang medical emergency na magaganap sa event.
Upang mabigyan ng agarang tulong ang mga nangangailangan, isang istasyon ng medical personnel ang ilalagay para magbantay.