--Ads--
Nakatakdang bumiyahe sa United Arab Emirates si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa susunod na linggo.
Sinabi ni Presidential Communications Undersecretary Claire Castro na ang isang araw na working visit ng Pangulo sa UAE ay gaganapin sa Enero 12.
Makikilahok aniya ang pangulo sa Abu Dhabi Sustainability Week.
Makakasama ng Pangulo ang ilang head of state at gobyerno mula sa ibang bansa para talakayin ang mga isyu gaya ng enerhiya, tubig, usaping pinansyal, pagkain at kalikasan.
--Ads--
Paglilinaw ni Castro na ang pagbisita ay dahil sa imbitasyon mula kay UAE President Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan.











