--Ads--

Nakalabas na ng St. Luke’s Medical Center sa Quezon City si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaninang umaga matapos sumailalim sa overnight medical observation.

Kinumpirma ng Malacañang na dinala ang Pangulo sa ospital kagabi, Enero 21, dahil sa stomach discomfort.

Ayon sa mga doktor, nakaranas si Marcos ng diverticulitis, isang kondisyon sa bituka na maaaring magdulot ng pananakit at komplikasyon kung hindi maagapan.

Matapos ang serye ng pagsusuri, idineklara siyang nasa stable na kondisyon at pinayuhan na magpahinga.

--Ads--

Sa kabila ng insidente, nagpatuloy umano ang Pangulo sa ilang gawain habang nasa ospital.

Pagbalik sa Malacañang, nakatakda siyang makipagpulong sa mga opisyal.

Tiniyak ng Palasyo na walang dapat ipangamba ang publiko at maayos na ang kalusugan ng Pangulo.