--Ads--

Walang opisyal, kabilang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang exempt sa probisyon ng 2026 General Appropriations Act (GAA) na nagbabawal sa paggamit ng mukha ng pulitiko sa pamamahagi ng tulong ng gobyerno.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, agad inalis ni PBBM sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kaniyang tarpaulin sa isang payout center para sa ayuda ng mga tsuper.

Mahigpit ding pinaalalahanan ang mga lokal na opisyal na huwag gawing plataporma ng pulitika ang distribusyon ng ayuda.

Ang tulong ng gobyerno ay nakalaan para sa publiko at hindi para sa pagpapalakas ng pangalan ng sinumang opisyal.

--Ads--

Gayunpaman, sinabi ng Malacañang na mahalaga pa ring ipaalam sa taumbayan ang mga programa ng administrasyon bilang patunay ng aksyon ng gobyerno sa gitna ng krisis.