--Ads--

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mungkahi ng Department of Transportation (DOTr) na gawing limang taon ang bisa ng registration ng mga bagong sasakyan.

Ipinahayag ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na nagpasya ang Pangulo matapos ang pulong sa mga miyembro ng gabinete sa Malacañang nitong Martes ng umaga.

Maglalabas ang DOTr ng memorandum para sa implementasyon ng limang taong bisa sa registration ng mga bagong sasakyan.

Tinalakay din sa pulong ang mga reporma sa transportasyon, kung saan iniutos ng Pangulo na gawing prayoridad ang kapakanan ng mga commuter. Layunin nito na panatilihing malinis at maaliwalas ang mga pasilidad at tiyakin na on-time ang biyahe ng mga tren.

--Ads--

Ayon kay Castro, iminungkahi ni Transport Secretary Jaime J. Lopez na palawigin mula sa tatlong taon hanggang limang taon ang bisa ng registration ng bagong sasakyan, at agad itong inaprubahan ng Pangulo matapos ipakita ang benepisyo ng hakbang.