Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng ahensya ng gobyerno na magtipid sa paggamit ng kuryente at mag-isip ng mga paraan upang mabawasan ang konsumo ng enerhiya.
Ang direktiba ng Pangulo ay kaugnay ng inaasahang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na posibleng makaapekto sa gastos sa kuryente at iba pang pinagkukunan ng enerhiya.
Hinimok din ng Pangulo ang publiko na makiisa sa pagtitipid upang makatulong na mapagaan ang kabuuang konsumo ng enerhiya sa bansa.
Ayon sa kanya, hindi lamang ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno ang inaasahang magtipid, kundi pati na rin ang mga mamamayan. Ipinapayo niya na hangga’t maaari ay iwasan ang hindi kailangang biyahe, mag-carpool, at mas gamitin ang pampublikong transportasyon upang makatipid sa enerhiya.











