--Ads--

Mainit na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Huwebes si Bhutan Prime Minister Tshering Tobgay sa kanyang courtesy call sa Malacañang — ang kauna-unahang pagkakataon na nag-host ang isang Pangulo ng Pilipinas ng lider mula Bhutan.

Sa kanilang pagpupulong, binigyang-diin ni Marcos ang kahalagahan ng pagkakaroon ng representasyon para sa mga non-resident ambassadors upang higit pang mapalakas ang ugnayan ng dalawang bansa.

Nagkasundo rin ang Pilipinas at Bhutan na magtulungan sa skills training at upskilling ng mga manggagawa sa pamamagitan ng TESDA.

Binanggit ni Marcos na matapos ang pandemya, mahalagang magtatag ng bagong pakikipag-ugnayan sa mga kaalyado sa turismo, kultura, kalakalan, at pamumuhunan.

--Ads--

Itinatag ang diplomatic ties ng Pilipinas at Bhutan noong Oktubre 6, 2025. Kabilang sa mga inaangkat ng Bhutan mula sa Pilipinas ang electronic products, makinarya, transport equipment, woodcrafts, at furniture, habang ang pangunahing inaangkat ng Pilipinas mula Bhutan ay alak, ubas, at virgin olive oil.

Noong Nobyembre 2025, naitala ang 335 Bhutanese tourists na bumisita sa Pilipinas. Ang pagbisita ni Tobgay ay kasabay ng kanyang pagdalo sa ADB Asia Pacific Food Systems Forum 2026.