--Ads--

Nagpalabas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng administrative order (AO) na nagpapahintulot sa paggawad ng Service Recognition Incentive (SRI) sa kwalipikadong government personnel para sa fiscal year 2024, kabilang ang mga guro at military and uniformed personnel, na makatatanggap ng tig-P20,000.

Sa ilalim ng AO 27 na nilagdaan ni Pangulong Marcos , ibibigay ang one-time SRI sa civilian personnel sa national government agencies (NGAs); military and police personnel; fire and jail personnel sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government; at mga tauhan ng Bureau of Corrections, Philippine Coast Guard, at National Mapping and Resource Information Authority.

Magsisimulang makatanggap ang kwalipikadong government employees ng SRI sa Dec. 15.

Makatatanggap din ng SRI ang civilian personnel sa NGAs, kabilang ang mga nasa state universities and colleges (SUCs) at government-owned and -controlled corporations, na may regular, contractual o casual positions.

Maaari ring bigyan ng SRI ang mga empleyado ng local government units (LGUs), kabilang ang mga nasa barangay, depende sa financial capability ng mga LGU.

Batay sa AO 27, pwedeng gawaran ng local water districts ng insentibo ang kanilang mga empleyado sa uniform rate na tuutkuyin ng kanilang boards of directors.