Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbubukas ng Camalaniugan Bridge sa Camalaniugan, Cagayan kaninang umaga, Enero 8, 2026.
Ang opening ceremony ay minarkahan ang pagkakumpleto ng proyekto ng tulay na personal na ininspeksyon ng Pangulo noong October 14, 2025.
Ang Camalaniugan Bridge ay may kabuuang haba na 1,580 metro, na binubuo ng 1,100 metro ng approach bridge at isang 480-metong cable-stayed main span. Direktang nag-uugnay ang tulay sa mga bayan ng Camalaniugan at Aparri, na nagbibigay ng napakahalagang bagong koneksyon sa transportasyon sa lalawigan.
Layunin ng proyekto na bumuo ng alternatibong ruta sa Magapit Suspension Bridge, ang nag-iisang tulay na tumatawid sa Ilog Cagayan sa pinakahilagang bahagi ng Cagayan. Pinapalakas ng bagong ruta ang access at ugnayan sa ekonomiya, na nagreresulta sa mas mabilis at tuloy-tuloy na daloy ng mga kalakal at tao.
Sa pagbubukas ng Camalaniugan Bridge, inaasahang bababa ang oras ng biyahe sa pagitan ng Aparri at Ballesteros mula isang oras hanggang sa 20 minuto lamang, na magpapagaan sa trapiko, magbabawas sa gastos sa transportasyon, at gagawing mas madali ang pang-araw-araw na pag-commute para sa mga residente at transport operator.
Inaasahang makakagamit ng tulay ang humigit-kumulang 6,000 pasahero araw-araw, na sumusuporta sa kalakalan, agrikultura, logistics, at turismo sa rehiyon. Kasabay nito, pinatitibay ng proyekto ang pangako ng gobyerno sa makabago, matatag, at pro-tao na imprastruktura.











