--Ads--

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala sa kontrol ng pamahalaan ang galaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, ngunit hindi dapat ipapasan nang buo sa mamamayan ang epekto nito.

Ayon sa Pangulo, pangunahing layunin ng gobyerno na agad mapagaan ang epekto ng pagtaas ng presyo sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.

Binigyang-diin din niya na hindi nararapat na maranasan ng bawat pamilya ang bigat ng krisis na hindi naman nila kagagawan.

Dahil dito, nakatuon aniya ang pamahalaan sa agarang pagbibigay ng direkta at konkretong tulong, lalo na sa gastusin sa pagkain, pamasahe, kuryente, at iba pang pangunahing pangangailangan.

--Ads--

Idinagdag pa niya na mahalagang maramdaman kaagad ng publiko ang aksyon ng gobyerno at hindi ito dapat maantala.