Wala pang klarong posisyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panukalang gawing legal ang diborsyo sa Pilipinas.
Sa gitna ito ng muling paglutang ng panukalang Absolute Divorce sa pagsisimula ng 20th Congress na una nang naaprubahan sa Kamara noong nakaraang Kongreso pero hindi pumasa sa Senado.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kailangan munang malaman ng Pangulo ang nilalaman ng probisyon ng Divorce Bill na inihain sa Kongreso bago masabi kung susuportahan ba ito o hindi.
Paliwanag ni Castro, karaniwan kasi sa mga probisyong nakapaloob sa panukala ay kasama na sa mga basehan ng legal separation at maging sa grounds ng annulment, at maging ang simbahan naman aniya ay pinapayagan na ang annulment.
Pero iginiit nito na ang naisin ng Pangulo ay mas paigtingin ang magandang pagsasama ng mag-asawa para sa kapakanan ng mga anak.











