--Ads--
Nagdulot ng malawakang pinsala ang panibagong pag-atake sa pangunahing gas hub ng Qatar nitong Huwebes, ayon sa state-run energy firm ng bansa na QatarEnergy.
Sa inilabas na pahayag ng kumpanya, sinabi na ilang pasilidad ng Liquefied Natural Gas o LNG ang tinamaan ng missile attack na nagresulta sa malaking sunog at karagdagang pinsala sa imprastraktura.
Ayon pa sa QatarEnergy, kasunod ito ng naunang pag-atake noong Miyerkules sa Ras Laffan Industrial City, kung saan labis ding napinsala ang isang gas-to-liquids facility.
Patuloy namang inaalam ang kabuuang lawak ng pinsala habang sinusubukang maibalik sa normal ang operasyon sa naturang lugar.
--Ads--











