--Ads--

CAUAYAN CITY– Posibleng magkaroon ng panibagong pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa Omicron BA.4 subvariant ayon sa Octa Research Group.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Guido David, miyembro ng Octa Research Group na posibleng magkaroon ng surge sa kaso ng COVID-19 sa bansa pero magandang balita naman dahil hindi na ito ganoon kataas dahil sa epekto ng bakuna.

Batay aniya sa pag-aaral ay hindi naman rin ito kasing grabe lalo na kung bakunado ang tatamaan kay doblehin ang pag-iingat at sumunod sa mga health protocols.

Sa ngayon ay sa National Capital Region o NCR pa lamang ay nakitaan ng pagtaas ng kaso pero maliit pa naman ito kung ikukumpara sa mga nakalipas na naitalang kaso.

--Ads--

Samantala, sinabi ni Dr. David na wala pang banta ang monkeypox sa Pilipinas na kumakalat ngayon sa ibang bansa.

Bagamat mas malaki ang mortality rate nito na nasa 10% kumpara sa COVID-19 na nasa 2-3% ay hindi naman ito gaya ng COVID-19 na infectious dahil naihahawa ang monkeypox ng direct contact hindi gaya ng COVID-19 na airborne.

Umaasa ang Octa Research Group na hindi ito masyadong kakalat kaya pag-ibayuhin ang pag-iingat.

Bahagi ng pahayag ni Dr. Guido David.