--Ads--

Namataan ang panibagong sama ng panahon sa silangang bahagi ng Pilipinas na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa mga susunod na araw.

Kapag ito ay tuluyan nang nakapasok ng PAR ay tatawagin itong Bagyong Uwan.

Posibleng tumama ito sa Luzon at sa iba pang bahagi ng bansa, depende sa magiging galaw nito sa mga susunod na araw.

Ayon kay weather specialist Grace Castañeda, maaaring sa huling bahagi na ng linggo makaapekto sa bansa ang naturang weather disturbance.

--Ads--

Samantala, hanggang matapos ang taong 2025 ay mayroon pang limang bagyo na maaaring pumasok ng PAR at makaapekto sa bansa.

Patuloy ang paalala ng mga awtoridad na maging alerto at handa sa posibleng epekto ng paparating na sama ng panahon.