--Ads--

Natuklasan China ang bagong bat virus na gumagamit ng kaparehong cell-surface protein para makapasok sa human cells ng SARS-CoV-2, virus na naging COVID19.

Ayon sa ulat, may tyansa ito na kumalat sa hinaharap.

Tulad ng SARS-CoV-2, ang bat virus HKU5-CoV-2 ay mayroong furin cleavage site na tumutulong sa pagpasok nito sa mga cell sa pamamagitan ng ACE2 receptor protein sa cell surfaces, ayon sa mga mananliksik.

Binigyang-diin naman sa pag-aaral na ang natuklasang virus ay may “less binding affinity” sa human ACE2 kumpara sa SARS-CoV-2 at iba pang suboptimal factors para sa human adaptation.

--Ads--

Ayon naman kay University of Minnesota infectious disease expert Dr. Michael Osterholm, tinawag niya na “overblown” ang naturang usapin.

Giit ni Osterholm, mas mataas na ngayon ang kaligtasan ng populasyon laban sa mga katulad na SARS virus kumpara noong 2019, na maaaring magpababa sa posibilidad ng panibagong pandemya.