--Ads--

Nagkaroon muli ng armadong engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga kasapi ng Communist Terrorist Group (CTG) ngayong araw sa Barangay Allaguia, Pinukpuk, Kalinga.

Ayon sa ulat ng 103rd Infantry “Mabalasik” Battalion, naganap ang insidente bandang 3:04 ng hapon, Nobyembre 23, 2025. Wala pang karagdagang detalye ang inilalabas hinggil sa naturang sagupaan.

Batay sa impormasyon, tinatayang siyam na rebelde na pinaniniwalaang kasapi ng CPP-NPA, Ilocos-Cordillera Regional Committee ang nakasagupa ng tropa ng pamahalaan.

Matatandaang dalawang araw lamang ang nakalipas,unang nakasagupa ng Army ang tinatayang 15 kasapi ng ICRC sa Barangay Bayao, Pinukpuk, Kalinga.

--Ads--