CAUAYAN CITY – Naitala ang panic buying sa estado ng Oregon sa Estados Unidos dahil sa pagtama ng arctic blast.
Sinabi ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual na tumama ang arctic blast noong araw ng Sabado.
Aniya, kung sa ibang lugar ay snow ang nararanasan, sa Oregon ay yellow ang bumabagsak na tinatawag nilang freezing rain.
Masyado aniya itong malamig at madulas ang daan kaya hindi rin makalabas ng bahay ang mga tao dahil delikado.
Ayon kay Pascual, bago ang pagdating ng arctic blast ay nagkakaroon ng advisory kaya nakakapaghanda ang mga tao.
Nag-iimbak sila ng pagkain at nagkakaubusan ang laman ng mga shelves sa mga tindahan.
Aniya, kailangan nilang mag-imbak ng pagkain dahil nagtatagal ng dalawang linggo ang ganitong panahon.
Ayon pa kay Pascual, nawawalan din ng suplay ng kuryente ang maraming kabahayan kapag may arctic blast dahil sa mga bumabagsak na puno na nakakaapekto sa mga linya ng kuryente.
Tinig ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual.