--Ads--
CAUAYAN CITY- Tinututukan na ngayon ng Taiwanese Government ang mga coastal area partikular ang Taichung at Taoyuan ilang oras bago mag landfall ang Bagyong Leon sa Taiwan.
Inihayag ni Bombo International News Correspomdemt Johnmark Santiago, sinabi niya na nararanasan na nila ngayon ang pabugso bugsong hangin at pag-ulan malayo paman ang Super Typhoon Leon sa Taiwan.
Sa kasalukuyan ay naghahanda na silang mga Pilipino sa anumang abiso na ipapalabas ng Taiwanese Government.
Hindi naman maiwasan na magkaroon ng panic bayuing isang araw bago ang inaasahang landfall ng Bagyo subalit nanatiling sapat ang supply ng pagkain.
--Ads--
Kanselado narin ang lahat ng pasok sa paaralan at opisina upang makapag handa ang lahat at manatiling ligtas.