--Ads--

CAUAYAN CITY- Hindi nangangahulugang pagsuko ang ginawang pagbalik sa Palawan ng BRP Teresa Magbanua dahil sa walang tigil na pang haharrast ng China sa mga barko ng Pilipinas sa Escoda Shoal.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Chester Cabalza ang Presidente ng International Development and Security Cooperation sinabi niya na pansamantala lamang ang pag-alis ng BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal.

Sa ngayon aniya ay hihintayin na lamang kung anong barko ang ipapalit sa BRP Magbanua lalo na at nakasubaybay ang China sa mga hakbang ng Pilipinas.

Sa kabila ng tensyon ay mas maganda paring magkaroon ng maayos na pag-uusap ang China at Pilipinas para maplantsa ang lumalalang tensyon sa West Philippine Sea.

--Ads--

Kung matatandaan ay maraming mga bansa na ang nag pahayag ng suporta sa Pilipinas at kumundina sa China dahil sa tahasang pangaangkin ng teritoryo.