--Ads--

CAUAYAN CITY –  Tiwala si Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi papasa sa Kongreso ang panukalang dalawang taong probationary period sa mga manggagawa sa bansa.

Ito ay dahil sinabi na sa kanya ni  Pangulong Rodrigo Duterte na iveveto niya ang panukalang batas sakaling pumasa sa Kongreso.

Sa naging panayam  ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Kalihim Bello na maninindigan sila sa pagtutol sa panukala sakaling ipatawag sila sa Kamara.

Iginiit niya na ang mga  mangagagawa na kinukuha ng mga employer ay dumadaan sa written exam at kapag pumasa ay isinasailalim sa personal interview at kapag pumasa ay mabibigyan ang aplikante ng 6 months probationary period.

--Ads--

Ito aniya ay sapat na para maobserbahan at malaman kung karapat-dapat siyang maging permanente sa kanyanbg trabaho.

Binigyang-diin ni Kalihim Bello na kawawa ang mga manggagawa kung maghihintay sila ng dalawang taon bago maging permanente sa kanilang trabaho.

Tinig ni Labor Secretary Silvestre Bello III

Kung qualified aniya ang isang manggagawa matapos ang 6 months ay hindi na kailangang abutin ng dalawang taon dahil mahalaga ang security of tenure sa isang manggagawa.