--Ads--
Nakasumite na sa Office of the President ang panukalang batas para sa pag-suspende o pagbawas ng excise tax sa langis at ang muling pagpaliban ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) elections.
Kinumpirma ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang pagsusumite nito ng nasabing panukalang batas sa Malakanyang.
Unang ibinalik sa Senate of the President ang panukalang batas na naglalayong bawasan o suspendihin ang pagkulekta ng excise tax sa mga langis matapos na mapirmahan ito ni House Speaker Faustino Dy III.
Umaasa ang Senate President na mapirmahan na rin ito ng Pangulo para maibsan ang pasanin ng mga motorista sa patuloy na pagtaas na presyo ng produktong petrolyo.
--Ads--









