CAUAYAN CITY- Lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Sanguninang Panlalawigan ng Isabela ang ordinansang mag re-regulate sa pagbebenta, advertisement, promotion, packaging distribution at disposal ng mga Vape products sa lalawigan.
Ang ordinansa ay iniakda ni Committee on Health Chairman SP member Emmanuel Joselito Añes ng unang distrito ng Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sanguniang Panlalawigan member Añes sinabi niya na layunin ng panukalang ordinansa na palakasin ang local enforcement kaugnay sa lumalawak na impluwensya o paggamit ng tabako at vape products sa mga menor de edad na nagpapataas ng health risk.
Sa pamamagitan ng ordinansa ay aasahang mas mabibigyan ng proteksyon ang mga menor de edad sa pamamagitan ng mahigpit na pagbabawal sa kanila at pagbabantay sa compliance monitoring, enforcement at regulasyon maging evironmental measure sa mga nagtitinda.
Kabilang sa mga ipagbabawal ang mga vendo machines at self service na pagbebenta ng vape.
Magsisilbing awareness campaign aniya ito sa pagbibigay ng impormasyon kaugnay sa epekto ng nicotine addiction.
Pag-aaralan ang pagtatag ng Inter Agency Council na siyang aktibong magpapatupad ng naturang batas.
Sakop ng ordinansa ang pagbibigay regulasyon sa lahat ng indibiduwal na gumagamit ng tabacco at vape sa mga pampublikong lugar, mga tanggapan at iba pa.
Sa ilalim ng ordinansa nakapaloob ang 10,000 hanggang 400,000 na multa sa sinomang mahuhuling lumabag sa alituntunin sa pagbebenta at distribution.
Kung mapapatunayan na lumabag ay maaaring maipasara ang pwesto o tindahan.
Hinihiling niya ngayon ang kooperasyon ng publiko at mga opisyal ng pamahalaan para maipatupad ito ng maayos









