--Ads--

CAUAYAN CITY- Pangungunahan ni Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang misa na gaganapin St. Michael Archangel Cathedral bilang bahagi ng ika-75th anibersaryo ng Missionaries of La Sallete.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Father Greg Uanan, Judicial Vicar ng Diocese of Ilagan na sa hapon bukas ay babasbasan ng Apostholic Nuncio ang malaking estatwa ng Our Lady of Guibang na nakalagay sa lote ng Diocese of Ilagan na nakalagay sa pagitan ng Guibang by pass road at national highway.

Magkakaroon din ng state dinner na ang magiging host ay ang provincia government ng Isabela na pangungunahan nina Governor Rodito Albano at Vice Governor Bogie Dy.

Naka-formal attire ang mga panauhin maging ang mga pari sa gaganaping state dinner.

--Ads--

Sa araw ng Biyernes, February 3, 2023 ay gaganapin ang solemn dedication ng bagong National Shrine ng Our Lady of the Visitacion of Guibang.

Lalangisan ng Papal Nuncio ang altar at pader ng simbahan bilang tanda ng pagbebendisyon upang maging ganap na sagrado ang Pambansang Dambana ng Birheng milagrosa ng Guibang.

Samantala, nauna nang binisita ng papal nuncio ang La Sallete of San Mateo, La Sallete of Cabatuan; La Sallete of Ramon at La Salette of Santiago.

Binigyan ng Paque of Appreciation ng La Salette Santiago si Papal Nuncio to the Phils. Archbishop Charles John Brown kung saan nagbigay ng kanyang pananalita.

Laman ng pananalita ng Papal Nuncio ang kanyang appreciation sa naging role ng La Salette missionaries sa evangelization sa Isabela .