Malapit na umanong matapos ang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa isyu ng flood control scam.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na inihayag sa isang ambush interview nitong Biyernes ng umaga sa isang pampanguluhang aktibidad, natapos na umano ng ICI ang karamihan ng kanilang trabaho, at isa o dalawang bahagi na lamang ang kailangan pang linawin.
Anya, nakadepende pa rin sa dami ng natitirang gawain ng ICI kung kailan tuluyang matatapos ang imbestigasyon.
Kasabay nito, sinabi rin ng Pangulo na hindi pa napagpasyahan kung magtatalaga ng mga bagong commissioner matapos ang pagbibitiw nina dating DPWH Secretary Rogelio Singson at Commissioner Rossana Fajardo.
Dagdag niya, kung kinakailangan pa ng ICI, magtatalaga sila ng bagong commissioner. Ngunit kung tapos na ang kanilang trabaho at naipasa na ang lahat ng impormasyon sa Department of Justice at Ombudsman, ang mga ahensiyang ito na ang siyang magpapatuloy sa imbestigasyon.











