--Ads--

CAUAYAN CITY- Problema ngayon ng mga residente mula sa West Tabacal Region ang lubak na Provincial Road partikular sa nasasakupan ng Barangay Labinab at Buena Suerte Cauayan City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kagawad Larry Cardona ng Barangay Buena Suerte, sinabi niya na hindi masisisi ang mamamayan kung marami nang naabala dahil sa lubak lubak na daan.

Marami na rin aniya ang mga nagtutungo sa kanilang opisina upang idulog ang hinaing ngunit paglilinaw naman umano ng Barangay na ang Provincial Road ay hindi sakop ng budget ng Barangay kaya hindi nila agad maaayos.

Sa ngayon kasi aniya ay hindi lamang single na motorsiklo ang apektado kundi maging ang mga tricycle at 4wheels na rin.

--Ads--

May mga pagkakataon pa umanong ayaw na maghatid ng mga namamasadang tricycle sa Barangay Buena Suerte dahil sa pangit na daan. dahilan kung bakit dumadaing ang mga residente sa West Tabacal Region.

Tinataya namang 300 meters ang haba ng sira o lubak na daan sa Brgy. Buena Suerte partikular sa harap mismo ng paaralan at Barangay Hall.

Tumanggi namang magbigay ng rason si Kagawad kung ano ang kanilang nakikitang dahilan kung bakit agad nasira ang daan kahit na mahigit isang taon palang itong nagagawa.