--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinangangambahang titindi ang nararanasang  epekto ng malakas na lindol sa pagdating ng isang cyclone o bagyo.

Umakyat na sa 1,297 ang mga nasawi sa malakas na lindol habang patuloy ang search and rescue operation sa mga nawawala at nadaganan ng mga gumuhong gusali,

Idineklara na ang state of calamity sa Haiti.

Walang shelter o malikasan na  gusali ang mga nawalan ng bahay dahil gumuho rin ang mga hotel paaralan at simbahan

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gng. Nene Sylvain, Overseas Filipino Worker sa Haiti na naramdaman din nila ang pagyanig sa kanilang lugar ngunit magnitude 3 lamang.

Nagkaroon sila ng komunikasyon sa mga kapwa niya Pilipino sa Haiti at wala silang napag-alaman na Pilipino na nadamay sa lindol.

Ang kailangan ngayon sa lugar na matinding tinamaan ng lindol ay mga pagkain at iba pang pangangailangan ng mga biktima tulad ng shelter.

Ang pahayag ng Pinay na si Nene Sylvain