--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagluluksa ang Diocese of Ilagan sa pagpanaw ni Fr. Ingeno “Nito” Rapadas, parochial vicar ng St. Ferdinand Parish Church sa City of Ilagan.

Si Fr. Nito Rapadas ay isinilang noong Disyembre 20, 1943 at naordinahang pari noong Marso 30, 1968.

Ipinagdiwang niya noong March 30, 2018 ang kanyang Golden Sacerdotal Anniversary kasama si Fr. Ramon Navarro.

Hinahangaan si Fr. Rapadas sa kanyang mahusay at matapang na pagsesermon sa bahaging homiliya ng misa.

--Ads--

Siya ay isktrikto kapag nangangasiwa ng misa dahil tumitigil siya sa pagsasalita kapag may maingay o may mga batang naglalakad o tumatakbo sa loob ng simbahan.

Naitalaga siyang parish priest sa iba’t ibang parokya ng simbahang katolika sa Isabela tulad ng Cabagan, Cauayan City, Gamu at City of Ilagan.

Tinawag din siyang Father Bombo dahil sa maraming taon na napakinggan noon ang kanyang pagmimisa dakong 8am sa Misa sa Bombo tuwing linggo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Fr. Greg Uanan, chancellor ng Judicial vicar ng Diocese of Ilagan na isa si Fr. Rapadas sa mga haligi ng Diocese of Ilagan.

Aniya, matagal na ininda ni Fr. Rapadas ang kanyang karamdaman at naging pabalik-balik sa ospital.

Ang tinig ni Fr. Greg Uanan

Naoperahan siya matapos madapa at nagkaroon ng bali ang kanyang tagiliran.