--Ads--

Isang parke sa Nagaizumi, Shizuoka Prefecture ang opisyal nang kinilala bilang “Smallest Park in the World” ayon sa Guinness World Records.

Ang parke ay may lawak lang na 2 1/2 square feet na halos kasinlaki lang ng kahon ng isang family-size pizza! Nagsimula ang ideya ng parke noong 1988 matapos bumisita sa U.S. ang isa sa construction management division employee ng Nagaizumi city hall.

Doon nakita niya ang Mills Ends Park sa Portland, ­Oregon. Namangha siya sa sobrang liit nito na may sukat na 3.1 square feet. Pagbalik niya sa Japan, iminungkahi niyang gumawa ng mas maliit na bersiyon nito sa kanilang bayan at agad naman itong isinakatuparan.

Bagamat tapos na ang parke noon pang 1988, hindi ito agad nasumite sa Guinness World Records. Noong Disyembre lang isinagawa ang opisyal na pagberipika, na tuluyang nagbigay ng bagong titulo sa Nagaizumi.

--Ads--

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin nilang patuloy na alagaan ang parke at gawin itong mas “social media friendly” upang mas maraming tao ang maengganyong bisitahin ang bayan.