--Ads--

Ikinatutuwa ng Parole and Probation Office dahil binigyan ng assurance ang mga parolee at probationers na maging parte ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Pedro Almeda Jr., Parole and Probation Officer, sinabi niya na malaking tulong ang TUPAD para sa mga subok laya lalo na at hirap ang ilan sa mga ito na maghanap ng trabaho dahil sa panghuhusga ng tao sa kanilang krimeng nagawa.

Nakapag sumite na ang ahensya ng 100 pangalan ng mga parolee at probationers upang makapag trabaho sa mga barangay na kanilang kinaroroonan.

Paglilinaw ng ahensya, hindi dapat isipin ng taumbayan na laging nakatatanggap ng ayuda ang mga taong minsan ng nakagawa ng krimen, dahil ang TUPAD ay hindi  naman ayuda kundi isang tulong lamang upang magkaroon ng pansamantalang trabaho ang mga subok-laya.

--Ads--

Ayon pa kay Parole and Probation Officer, nakipag-ugnayan na ang kanilang ahensya sa Department of Labor and Employment  (DOLE) upang i prayoridad ang mga subok-laya sa lahat ng aktibidad ng DOLE tulad na lamang ng TUPAD.

Ito ay upang hindi na muling maisip ng mga parolee at probationers na gumawa ulit ng krimen dahil sa kakapusan sa pera na kalimitang idinadahilan kung bakit sila nag nakaw at napatawan ng kaso.