--Ads--

CAUAYAN CITY-Nadakip ng Ilagan City Police Station ang isang partidor sa kanilang isinagawang drug buy bust operation.

Ang nadakip ay si Alvin Gaseñia,25 anyos at residente ng Calamagui 1st, Lunsod ng Ilagan.

Nadakip ang suspek makaraang bentahan ng isang sachet ng shabu ang pulis na nagpanggap na possuer-buyer.

Nasamsam sa suspek ang isang sachet ng shabu, P/500.00 marked money at P/1,000.00 boodle money.

--Ads--

Si Gaseñia ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 ( Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).