--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang butcher matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang concrete rod signage sa Provincial Road, Brgy. Ineangan, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.

Sa nakalap na imprmasyon ng Bombo Radyo Cauayan kinilala ang tsuper ng motorsiklo na si Jaylord Tumacder  24-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Abian, Bambang, Nueva Vizcaya

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya binabaybay ng motorsiklo ang  lansangan patungong silangang direksyon.

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay nawalan umano ng kontrol ang tsuper sa minamaneho nitong motorskilo at bumagga sa concrete/road signage.

--Ads--

Nagresulta ang aksidente upang magtamo ng malubhang sugat sa katawan ang biktima .

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang tsuper ng mga rumispondeng rescue team ngunit binawian din ito ng buhay.