--Ads--
Tumalon ang isang pasahero na pinaniniwalaang may mental health issues mula sa isang barko na patungong Oriental Mindoro nitong Sabado, Hulyo 19, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) Southern Tagalog.
Ang insidente ay nangyari isang nautical mile ang layo mula sa Baco Chico Island, Oriental Mindoro.
Ang pasahero ay tinukoy na isang 35-anyos na lalaki mula Zamboanga City.
Iniulat ng master ng barko na ang indibidwal ay may history ng mental health issues.
--Ads--
Ligtas namang nakababa sa Port of Calapan ang lalaki at ang kasamahan nito.











