--Ads--

CAUAYA CITY – Ligtas na nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang mga pasaherong lulan ng isang bangka na lumubog matapos na mahampas ng malalakas na alon sa bahagi ng Sta. Ana, Cagayan at Babuyan Claro.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan Mayor Jong Llopis ng Calayan, Cagayan sinabi niya na ligtas na na rescue ang limang tripulante ng MB Mahoto matapos lumubog ang sinasakyang bangka sa baybaying bahagi ng Sta. Ana at Babuyan Claro sa Isla ng Calayan.

Kinilala ang mga tripulante na sina Norman Baloloy, 35-anyos, Uel Tomas, 36-anyos, Reden Dican, 28-anyos, at Jonel Nolasco, 34-anyos na pawang residente sa Babuyan Claro.

Aniya, unang iniulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)-Calayan, pasado alas-kwatro ng madaling araw noong Biyernes umalis sa Sta. Ana ang apat na katao sakay ng kanilang bangka.

--Ads--

Nang makarating sa kalagitnaan ng dagat ay bigla ay nabutas ang bangka bago pinasok ng tubig hanggang sa magpalutang-lutang ang tatlo ng ilang oras hanggang sa marating ang lugar na may signal at doon nakahingi ng tulong.

Aniya dahil sa hindi agad nahanap ang mga pasahero ay inabot ng gabi ang rescue operations kung saan alas onse ng gabi ay narescue sila at ligtas na nadala sa mainland Cagayan.

Dahil sa ilang insidenteng naitatala na paglubog ng mga bangka na lumalayag sa katubigan ng Sta. Ana at Babuyan Claro ay pinag-aaralan na niya ang pagdadagdag ng requirements gaya ng pagkakaron ng flare bago kamakuha ng permit para makapag layag.

Aniya ito ang tanging paraan upang mas mapabilis ang rescue operation o pagtunton sa mga mangingisdang lumubog ang bangka kung sakaling may kaparehong insidente pa ang mangyayari.

Kasabay nito ay pinapayuhan niya ang mga nag mamay-ari ng maliliit na bangka na hanggat maaari ay huwag na lamng lumayag lalo na kung delikado ang baybayin o matataas ang alon.