--Ads--

CAUAYAN CITY Binalaan ni Mayor Juan Capuchino ng Naguilian, Isabela ang mga hindi nagsusuot ng facemask sa kanilang bayan na aarestuhin.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mayor Juan Capuchino na inatasan na niya ang pulisya sa kanilang bayan na magpatrolya at lahat ng hindi nakasuot ng facemask ay aarestuhin para mabigyan ng leksiyon ang mga matitigas ang ulo.

Aniya, kaya tumataas ang kaso ng COVID-19 sa kanilang bayan at sa lalawigan ng Isabela ay dahil sa kawalan ng disiplina ng maraming tao.

Sa kanyang pag-iikot ay nabibilang lamang ang nakikita niyang nakasuot ng facemask.

--Ads--

Ayon kay Mayor Capuchino, kung isasailalim sa swab test ang lahat ng mga tao lalo na sa kanilang Poblacion ay maaring aabot sa libo ang mga magpopositibo.

Dahil dito, hiniling niya na dapat kapag lalabas ng bahay ay siguruhing nakasuot ng facemask at hindi lamang kapag papasok sa trabaho o may mahalagang pupuntahan.

Ang pahayag ni Mayor Juan Capuchino