--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinuspende na ng pamahalaan ng Hongkong ang pasok ng mga mag-aaral sa lahat ng antas dahil sa Corona Virus.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Marilou Carbinilla, tubong Sampaloc, Manila at dalawampong taon nang OFW sa Hongkong na upang maiwasan ang pagkalat ng sakit ay idineklara ni Hong Kong Chief Executive Carrie Lam na sa February 17 na lamang ang pasukan ng mga mag-aaral sa lahat ng antas.

Nauna rito ay nakatakda sana ang pagbabalik ng klase ng mga mag-aaral sa HongKong sa February 3 matapos ang pagdiriwang ng Chinese New Year ngunit dahil sa Corona Virus ay itinakda na lamang sa February 17.

Tinig ni Marilou Carbinilla, OFW sa HongKong.