--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagpalabas na ng executive order si Governor Bojie Dy na nagkakansela ng pasok sa lahat ng antas sa mga private at public schools sa boung lalawigan ng isabela simula lunes October 29-31, 2018.

Ito ang kinumpirma sa Bombo Radyo Cauayan ni G. Romy Santos, media consultant ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela

Inihayag pa ni G. Santos na wala namang pasok sa trabaho ng mga manggagawa sa gobyerno at pribadong sector sa mga araw ng Martes at Miyerkules (October 30-31, 2018)

Layunin ng nasabing executive order na matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at mga mag-aaral at mapaghandaan ang paparating na bagyong Rosita.

--Ads--

Kaugnay nito ay nakahanda na rin ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan tulad ng PNP, AFP, mga department heads ng Prov’l, Munucipal at City Government para sa paparating na bagyo.

Tiniyak naman ng Provincial Social Welfare and Development Office na nakahanda na rin ang mga ipapamahaging relief goods at naka-preposition na rin ang mga relief goods sa mga maaring maapektuhan ng bagyong Rosita.

Handa na rin ang mga evacuation centers sa Isabela sakaling kinakailangang maglikas sa mga mamamayan.