--Ads--

CAUAYAN CITY- Kabilang ang Lalawigan ng Nueva Vizcaya sa mga Lalawigan na walang pasok ngayong araw dahil sa mga nararanasang pag-ulan dulot ng habagat.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Judiel Layno ang Shift Team Leader ng Nueva Vizcaya Operation Center, sinabi niya na karamihan o halos lahat ng Bayan sa Lalawigan ay nakakaranas ng pag-ulan gayunman nanatiling nasa normal level ang natas ng tubig sa mga ilog at wala pang nakikitang banta ng pagbaha.

Dahil sa pag-ulan dulot ng Southwest Monsson o Habagat ay binabantayan nila ang mga land slide prone area, at low laying areas na madalas mabaha.

Sa ngayon nanatiling passable ang Nuea vizcaya to Benguet Road maging ang Nueva Vizcaya to Pangasinan Road gayunman nagbabala sila sa ongoing road construction sa bahagi ng Diadi.

--Ads--

Matatandaan na inanunsyo ng Malacañang na kabilang ang Nueva vizcaya sa mga lugar na walang pasok ngayong araw kasama ang 36 pang mga lugar sa buong bansa dahil sa masamang panahon.