Pansamantalang sinuspinde ng Malacañang ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa Disyembre 29, 2025 at Enero 2, 2026 kaugnay ng pagdiriwang ng bagong taon.
Ayon sa Memorandum Circular No. 111 na nilagdaan ni Acting Executive Secretary Ralph G. Recto, layunin ng suspensyon na mabigyan ng sapat na panahon ang mga kawani ng gobyerno upang ipagdiwang ang bagong taon at makabiyahe sa kani-kanilang mga probinsya.
Nilinaw naman na magpapatuloy ang operasyon ng mga ahensiyang nagbibigay ng mahahalagang serbisyo, kabilang ang serbisyong pangkalusugan at mga tanggapang may tungkulin sa kahandaan at pagtugon sa mga emerhensiya.
Para naman sa pribadong sektor, nasa pagpapasya ng pamunuan ng mga kumpanya at tanggapan kung sususpindihin din ang trabaho sa mga nabanggit na petsa.











