--Ads--

Isiniwalat ni Davao City Police Office Director Col. Hansel Marantan sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ngayong Miyerkoles, Oct. 23, na batay sa salaysay ng “inner pastorals” ng Kingdom of Jesus Christ, nais umanong tularan ni detained KOJC leader Apollo Quiboloy si Haring Solomon, na ayon sa Bibliya ay may 700 asawa at 300 kaapid.

Dagdag pa ni Marantan, nasa 200 kababaihan ang nabiktima ni Quiboloy, kung saan 68 ang natukoy na ng pulisya. Iba’t iba umano ang edad ng mga naabuso.

Pinabulaanan naman ni Quiboloy, na dumalo sa pagdinig sa unang pagkakataon, ang mga alegasyon ng mga testigo laban sa kanya